Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Bayan ng Bulan sa Sorsogon kaninang alas -3:22 ng umaga
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim itong 27 kilometro.
Tectonic naman ang pinagmulan ng naturang lindol.
Naitala naman ang Intensity 3 sa Legazpi City, Albay; Mahaplag, Leyte, Intensity 2 naman sa Tabaco, Albay at Intensity I sa Naval, Biliran; Iriga City, Pili, Camarines Sur; Calubian, Ormoc City, Leyte; Prieto Diaz, Sorsogon.
Samantala, wala namang inaasahang pinsala pero asahan na ang mga aftershocks kasunod ng naturang pagyanig.