Muling ipatutupad ng pamunuan ng Metro Rail transit line 3 o MRT 3 ang segregation scheme na magbibigay ng eksklusibong access sa unang dalawang pinto ng unang bagon para sa mga senior citizen, Persons with Disability (PWDs), buntis at may mga kasamang bata simula bukas.
Anila, ang hakbang ay napapanahon para sa muling pagbubukas ng klase sa lunes, Agosto 22.
Kaugnay nito, maaaring mag-avail ng 20% sa pamasahe ang mga estudyante, kailangan lamang ipakita ang identification cards o orihinal na kopya ng enrollment forms habang bumibili ng ticket sa booths ng naturang tren.
Samantala, ipatutupad ng pamunuan ng MRT 3 ang “seven commandments” para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 kabilang dito ang pagsusuot ng face masks, hindi pagsasalita at pagkain sa loob ng tren, pagsunod sa physical distancing, pagtitiyak na may sapat na bentilasyon at ang regular na pagdi-disinfect sa tren.