Hindi na kwalipikadong mabigyan ng educational assistance ang mga benepisyaryong kasama na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa kabila ito ng naunang pahayag ni Department of Social Welfare and Development secretary Erwin Tulfo, na kasama rin ang mga 4Ps benepiciary sa mabibigyan ng ayuda ngayong pasukan.
Sa panayam ng DWIZ kay Tulfo, sinabi nito na ipinabatid sa kaniya ng mga Opisyal ng Assistance to Individuals in Crisis Situation na nakatanggap na ng ayuda ang mga 4Ps beneficiary mula sa DSWD.
Kaya imbes na sa pamilyang kalahok, sa mga kabataan na lang ibibigay ang ayuda.
Para sa mga DSWD beneficiaries lang yun, yan yung mga unconditional cash transfer, yun bang mga nagaantay para makapasok sa 4Ps office…, mga social pensionnaire… mga apo ng social pensionnaire, sila yun, ang ginawa natin, binuksan natin sa lahat, paano naman iyong mga tricycle drivers, paano naman yung jeepney drivers, grab drivers, mga katulong, kusinera, binuksan natin, bagama’t ako’y winarningan ng mga matatanda na sa DSWD… ” Sir magkakaproblema ka rito”, ang sabi ko naman tanggapin ko lang ang problema, gusto lang natin na lahat mapasama.” —DSWD secretary Erwin Tulfo sa panayam ng DWIZ