Tiniyak ng grupo ng mga supermarkets na sapat ang suplay ng asukal sa merkado sa kabila ng paglobo ng presyo nito.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Steven Cua, Presidente ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association, na sa loob ng dalawang buwan, pumalo na sa isandaang piso ang kada kilo ng asukal mula sa P72.50 noong Hunyo.
Dahil dito, ramdam na ang kakulangan sa supply ng matatamis na inumin tulad ng soft drinks.
May mga ilang softdrinks naman sa merkado ang hindi na available at may iilang distributors din ang bigong makapag deliver ng nasabing produkto.
Sa ngayon, bilang-solusyon sa problema sa asukal, inilatag ni Cua ang pagkakaroon ng long term planning para masolusyunan ito.—sa panulat ni Hannah Oledan