Pinaigting pa ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang paghahanda nito kaugnay sa bagyong Florita bago ang landfall nito.
Kasunod na rin ito ng direktiba ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo sa area managers sa mga paliparan sa Regions 1 at 2 na buhayin ang mga panuntunan nito kapag may bagyo para na rin sa kaligtasan ng lahat.
Tiniyak ni Tamayo ang mahigpit na pagtutok ng airport managers sa pag monitor at pag-i-inspeksyon sa kani kanilang nasasakupan. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)