Napaghandaan ngunit hindi na-anticipate ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagdagsa ng mga nais makakuha ng educational assistance sa kanilang tanggapan noong Sabado.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na na-overwhelm sila sa pagdagsa ng mga tao sa unang araw ng pagbibigay ng cash assistance.
Samantala, inihayag ni Tulfo na aayusin nila ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang sistema ng pamimigay ng cash assistance para sa mas maayos na pamimigay ng ayuda. - sa panulat ni Hannah Oledan