Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na handa silang magdeploy ng mga bus para sa Libreng Sakay Program ng Pamahalaan sa gitna ng face-to-face classes ng mga mag-aaral kung kinakailangan.
Ayon kay PNP chief Pol. Gen. Rodolfo Azurin Jr., may posibilidad na magkaroon ng kakulangan sa mga pampublikong sasakyan dahil mas dumami na ngayon ang bilang ng mga pasaherong sumasakay sa pampublikong transportasyon dahil sa pagbabalik-eskwela.
Sinabi ni Azurin, na ipauubaya na ng kanilang ahensya sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Education (DepEd) ang desisyon kung kakailanganin ang mga karagdagang bus mula sa PNP.
Nilinaw naman ni Azurin na nakahanda ang kanilang tanggapan anomang oras para alalayan ang pangangailangan ng mga pasaherong bumibiyahe araw-araw.