Patuloy na minomonitor ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) katuwang ang kanilang regional offices at mga Lokal na Pamahalaan para sa posibleng epekto ng Bagyong Florita sa Luzon area.
Bukod sa close coordination sa mga Regional counterparts, pinag iingat din ng NDRRMC ang mga residenteng posibleng maapektuhan ng naturang bagyo.
Nagpaalala naman sa publiko ang naturang ahensya na makinig sa direktiba ng kani-kanilang Local Government Unit (LGUs) at kung sakaling lumala pa ang hagupit ng bagyo, mas mainam na lumikas nalang lalo na sa mga lugar na nakararanas ng pagbaha at pagguho ng lupa.