Pinalitan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Build Build Build (BBB) program ng nakaraang administrasyon.
Sinabi ng punong ehekutibo sa kaniyang budget message na sa pamamagitan ng Build, Better, More (BBM) program ay hindi lamang ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang infrastructure program ng Duterte administration kundi palalawigin pa ito.
Mababatid na sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program, may kabuuang 1.196 trillion pesos na pondong nakalaan para sa infrastructure program.
Samantala, kasama rin sa BBM program ang pagpapatuloy ng mga transportation infrastructure project ng nakaraang administrasyon gaya ng North-South Commuter Railway, Metro Manila Subway Project, at LRT-1 Cavite extension project.