Plano ng National Irrigation Administration (NIA) na magtayo ng mas marami pang mga Dam sa ibat-ibang lugar sa Pilipinas.
Ayon kay NIA Administrator Benny Antiporda, layon ng kanilang ahensya na pumasok sa public at private partnership para sa pagpapatayo ng mga Dam sa buong bansa.
Sinabi ni Antiporda, na aabot sa P800 bilyong ang halaga ng pondong kakailanganin para sa naturang proyekto upang matugunan ang mga problema at suhestiyon sa irigasyon at masiguro ang sapat na suplay ng tubig sa panahon ng tag-init.
Samantala, siniguro naman ng ahensya na may sapat na mapagkukuhanan ng suplay ng tubig ang bansa sakaling kailanganin ito sa summer season.