Pansamantalang isinara ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga motorista ang ilang kalsada sa Northern Luzon dahil sa pananalasa ng bagyong Florita.
Ayon sa DPWH, nagkaroon ng pagguho ng lupa, pagtumba ng mga puno at pagbaha sa mga kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley.
Hindi din madaanan ang mga kalsada sa ilang lugar sa Region 2 kabilang na ang bahagi ng Claveria-Calanasan-Kabugao road sa Apayao; Mt. Province-Ilocos Sur via tue sa Tadian, Mt. Province; bahagi ng Abra Kalinga road patungong Duldulao sa Malibcong, Abra; Itogon-Dalupirip Road, sa Benguet; at ang bahagi ng Gov. Bado Dangwa national road sa Bakun, Benguet.
Bukod pa diyan, binaha naman ang Cabagan-Sta. Maria road overflow bridge at ang CAR kabilang na ang Mt. Province-Ilocos Sur via tue sa Calanasan, Apayao; Benguet-Nueva Vizcaya road, Asin – Nangalisan – San Pascual – La Union – Boundary road sa Tuba, Benguet.
Maging ang Apayao-Ilocos Norte Road, Itogon-Dalupirip Road; Cong. Andres Acop Cosalan road sa Benguet; Nueva Vizcaya – Ifugao – Mt. Province boundary road; Kiangan boundary – Calanan- Pinukpuk – Abbut Road sa Kalinga.
Samantala, ilang kalsada din sa Ilocos Region ang hindi muna papayagang makadaan habang nagpapatuloy pa ang clearing operations ng quick response teams ng DPWH sa mga nabanggit na kalsada.