Mahigit P1-milyong halaga ng shabu ang nadiskubre sa toilet tank g isang fastfood chain sa Naga City, Camarines Sur.
Ayon kay Senior Master Sergeant Toby Bongon, spokesman ng Naga City Police Office, natuklasan ng maintenance staff ang 150 grams ng shabu na nakasilid sa plastic ice bag.
Inireklamo anya ang isang comfort room na hindi gumagana ang flush kaya’t agad nila itong sinuri para alamin ang problema.
Nakabara ang plastic sa toilet tank na pinagmumulan ng tubig at kahina-hinala ang nilalaman nito kaya’t agad nilang ipinagbigay-alam sa pulisya.
Inaalam na ng mga otoridad kung sino ang may-ari ng nasabing nadiskubreng iligal na droga.