Libu-libong sako ng asukal na nagkakahalaga ng P285 million ang nadiskubre ng Bureau of Customs sa isang warehouse sa Quezon City.
Ayon sa BOC, nakatanggap sila ng intelligence report na nag-i-imbak ng smuggled na asukal ang warehouse sa Araneta Avenue.
Agad ikinandado ng Aduwana ang bodega at binigyan ang may-ari nito ng kalahating buwan upang patunayang ligal ang mga naka-imbak na asukal.
Gayunman, iginiit ng administrative officer ng warehouse na mayroong importation permit at clearances mula sa Customs at Sugar Regulatory Administration ang mga naka-imbak na sugar supply.
Para umano sa industrial consumers ang mga ito at naka-tengga pa sa bodega dahil hindi pa kailangan ng mga planta.