Patay na nang matagpuan ang isang Pinay domestic helper sa Hong Kong matapos umano itong magbigti.
Ayon sa Hong Kong Police, tumawag sa kanila ang amo ng biktima mag-a-alas-3:00 ng hapon noong Sabado, upang i-ulat na natagpuan ang kasambahay na nakabitin sa loob ng banyo.
Naganap ito sa mismong kanilang bahay sa Yuen Long Village.
Nag-iwan pa umano ng suicide note ang Pinay at nakasaad ang problema nito sa pera.
Itinanggi naman ng ina at kapatid ng OFW na batid naman nila ang problema ng kanilang kamag-anak.
Ang Pinay ay nagmula sa Bataan, may-asawa, isang anak at anim na taon nang naninilbihan sa kanyang amo sa Hong Kong.