Isiniwalat ni Pag-asa Island Mayor Eugenio Bito-onon Jr. na ilang araw ding nanatili malapit sa isla ang isang Chinese coast guard vessel.
Ayon kay Bito-onon, dumating ang barko ng China malapit sa kanyang nasasakupan noong Nobyembre 9 at nanatili ito hanggang noong Nobyembre 18.
Ang naturang insidente ay nangyari habang nagaganap ang APEC Summit na dinadaluhan ni Chinese President Xi Jinping at iba pang APEC leaders sa Maynila.
Nakabinbin pa rin sa United Nations Tribunal ang reklamo ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng reclamation activities sa West Philippine Sea.
By Jelbert Perdez