Inaasahang babalik sa normal ang supply ng beep cards sa unang quarter ng 2023.
Ayon ito kay Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez bagamat patuloy nilang hinihimok ang beep card users na i-share ito sa iba.
Tiniyak ni Chavez na tuluy-tuloy naman ang paghahanap nila ng paraan katuwang ang beep card provider nilang AF Payments Incorporated para matugunan ang shortage ng beep cards.
Una nang ipinabatid ni Chavez na ang kakulangan sa stored value passenger train cards ay dahil sa kinakapos ding supply ng global chip dulot naman ng COVID-19 lockdown sa China at patuloy na iringan ng Russia at Ukraine.