Walang dapat na pagtaas ng presyo ng mga gulay sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa matapos bumayo ang bagyong Florita.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Khristine Evangelista kung pagbabatayan ang sitwasyon ng supply ng gulay mula Ilocos Norte hindi na aniya tataas sa dalawang metriko tonelada ng gulay ang ibinabagsak sa Metro Manila at ilan pang lugar sa norte na bigas na ang karamihan sa supply.
Ang ibig sabihin nito aniya ay hindi lamang sa Ilocos Norte nanggagaling ang mga gulay na sinu-supply sa Metro Manila kaya’t walang dapat pagtaas sa presyo.
Isa ang Ilocos Norte sa mga binayo ng bagyong Florita kung saan tatlong milyon ang nasira sa agrikultura at mahigit 300 magsasaka ang naapektuhan.