Pumalo na sa 903 ang bilang ng mga nasawing indibidwal kabilang na ang 326 na kabataan sa malawakang pagbaha sa Pakistan.
Ayon sa mga tauhan ng National Disaster Management Authority (NDMA), nasa 1,300 katao ang sugatan habang umakyat na sa 2.3 million na indibidwal ang apektado ng pagbaha dulot ng walang tigil na malalakas na pag-ulan dahil sa habagat.
Samantala, nawasak din ang 95,350 na kabahayan; 224,100 ang nasira; habang nasa 3,000 kilometers na kalsada at 129 na mga tulay ang nasira bunsod ng pagbaha dahilan para isailalim sa under economic crisis ang Pakistan.
Dahil dito, nag-isyu ng apela si Prime Minister Shahbaz Sharif upang manawagan ng tulong sa international partners para sa relief efforts, reconstruction at rescue operation para sa mga naapektuhan ng pagbaha.