Nangulelat ang Pilipinas sa listahan ng mga most livable APEC cities batay sa isinagawang pag-aaral ng Price Water House Coopers.
Lumabas sa nasabing pag-aaral na may pamagat na Building Better Cities, nasa ika-22 puwesto ang Maynila habang nasa ika-26 na puwesto naman ang Cebu mula sa 28 APEC cities na kasama sa survey.
Kabilang sa mga ginawang batayan ng pag-aaral ay ang connectivity, environmental sustainability gayundin ang health and welfare.
Ayon kay Guillermo Luz, Co-Chairman ng National Competitiveness Council, malaki ang pagkukulang ng lokal na pamahalaan ng dalawang lungsod kaya’t nakuha nila ang mababang ranggo.
Samantala, nanguna naman sa nasabing listahan ang Toronto at Vancouver sa Canada gayundin ang Singapore bilang most livable APEC cities.
By Jaymark Dagala