Isinailalim kahapon sa random drug test ang 24 na tauhan ng Philippine National Police o PNP Anti-Cybercrime Group.
Ayon sa Chief PIO ng Anti-Cybercrime Group na si Lt. Michelle Sabino, makukuha ang resulta sa loob ng 24 oras kung saan, umaasa siya na magnenegatibo ang mga ito sa nasabing drug test na regular na ginagawa sa PNP bilang bahagi ng kanilang programa kontra iligal na droga.
Sakaling namang magpositibo ang isa sa kanilang mga tauhan, posible itong maharap sa kaparusahan at posibleng kasuhan ng administratibo.