Bumababa na ang naitatalang kaso ng dengue sa bayan ng San Miguel sa Malolos City, Bulacan.
Ayon kay Dr. Hamir Hechanova, Municipal Health Officer ng San Miguel, bumagsak sa 92 ang naitalang active cases ng dengue nitong ikatlong linggo ng Agosto, mula sa 478 dengue cases na noong July 6.
Ang mga solusyong nakita ng City Health Office na naging epektibo kontra dengue ay ang pagbuo ng Dengue Task Force at malimit na pagsasagawa ng misting.
Sa huling datos ng Provincial Health Office, 23 bayan na lang sa Bulacan ang mayroong dengue cases.