Isinusulong ng isang kongresista ang panukalang ikulong at pagmultahin ang mga indibidwal na mapapatunayang nambu-bully.
Sa inihaing House Bill 2886 o Stop Bullying Act ni PBA Party-List Rep. Margarita Nograles, layunin nitong palakasin pa ang RA 10627 o ang Anti-Bullying Law.
Sa ilalim nito, papatawan ng hanggang anim na taong kulong at multang 50,000 hanggang 100,000 ang mapapatunayang guilty sa bullying.
Hindi naman kasama sa makakasuhan ang mga kabataang edad 15 pababa.
Samantalang ang mga lagpas 15 bago mag 18 ay magiging exempted kung mapatutunayan na hindi nila alam ang kanilang ginagawa.