Inaresto ng mga otoridad ang kapatid ni CHEd Chairman Prospero De Vera.
Ayon kay PNP Chief General Rodolfo Azurin, Jr., si Adora Faye De Vera ay dinampot ng mga otoridad base sa inisyung warrant ni Judge Guilljie Delfin Lim ng Iloilo City RTC dahil sa kasong multiple murder at pagkaka-ugnay sa CPP-NPA.
Kinumpirma ni De Vera na kapatid niya ang inaresto at si Adora aniya ay mahigit 25 taon na niyang hindi nakikita at nakakausap o simula nang magpasya itong sumama sa mga rebeldeng komunista.
Dasal pa rin naman aniya niya ang kaligtasan at magandang kalusugan ng kapatid habang nakakulong at nahaharap sa mga kaso.
Binigyang diin ni De Vera ang suporta niya sa administrasyon ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. sa kampanya nitong tuldukan ang insurgency na aniya’y sumira na ng maraming buhay at ari-arian.