Aabot sa 2, 650 kaso ng Cholera ang naitala sa Pilipinas mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), mas mataas ang bilang ng 230% kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2021.
Kasabay nito, nakapag-record din ang DOH ng 7, 681 Typhoid cases mula Enero hanggang Agosto na 109% ding mataas kumpara noong 2021.
Tulad ng Dengue, kadalasang naitatala ang Cholera at Tyhpoid cases tuwing tag-ulan.