Patuloy na iniimbestigahan ng Negros Occidental Police Provincial Office (NOCPPO) ang kasong pagpatay sa dalawang barangay chairmen sa lalawigan.
Unang pinaslang ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin si Danilo Dautil, kapitan ng Barangay Cabcab sa bayan ng Isabela.
Ayon kay Major Joseph Partidas, hepe ng Isabela Municipal Police Station, pinaniniwalaang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA ang nasa likod ng pagpatay kay Dautil.
Ang tserman naman ng Barangay Lalong na si Benjamin Javoc ay nasawi matapos lusubin ng tinatayang sampung armadong lalaki ang kanyang bahay.
Samantala, inatasan na ni Police Regional Office-Western Visayas Director Brig. Gen. Leo Francisco si Negros Occidental PNP Director Col. Leo Pamittan na imbestigahang mabuti ang mga naturang kaso.