Nagdudulot din ng pinsala sa mga matatamis na meryenda at inumin na kadalasang ibinebenta sa mga tindahan ang mataas na presyo ng asukal.
Ayon kay Philippine Association Of Stores And Carinderia Owners-Pasay Chapter Member Rosalie Gregorio, kailangan na ngayon ng mga sari-sari store ang mas malaking halaga ng pera para makabili ng sugary goods dahil nagtaas na rin ng presyo ang mga supplier ng kanilang produkto.
Katulad na lamang ng 750ml na bote ng soda drink na nasa 30 pesos mula sa 25 pesos.
Bukod dito, tumaas din ang presyo ng cupcakes, biscuit at powdered drinks tulad ng 3-in-1 coffee dahil sa sugar price hike.
Matatandaang sinabi ng mga kompanyang Coca-Cola, Pepsi, at RC Cola na humarap sila sa kakulangan ng suplay ng premium refined sugar dahil sa mataas na presyo nito na umabot sa 100 pesos per kilogram.