Sinuspinde na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang passenger ship safety certificate ng nasunog na MV Asia Philippines.
Ayon sa Marina, ang hakbang ay para isailalim sa safety inspection ang nasabing barko para malaman ang Seaworthiness Condition nito sa paglalayag.
Kinumpirma naman ng Philippine Coast Guard (PCG) na accounted na ang lahat ng pasahero sa nasunog na barko at wala ng nawawala.
Dahil dito, tinapos na ng coast guard ang kanilang search and rescue operations kaugnay sa naturang insidente.