Makakaranas ng maaliwalas na panahon ang malaking bahagi ng bansa pero mataas ang tiyansa ng isolated rain showers at thunderstorm lalo na sa hapon hanggang sa gabi.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, inaasahan ang maaliwalas na panahon pero posible pa rin ang mga isolated rain showers at thunderstorms sa Visayas.
Asahan na magiging mainit parin ang ilang lugar sa Visayas habang generally fair weather condition naman ang mararanasan sa Mindanao maliban nalang sa thunderstorm sa hapon hanggang sa gabi.
Wala namang nakataas na gale warning ang PAGASA kaya malayang makakapalaot ang mga kababayan nating mangingisda partikular na ang mga maliliit na sasakyang pandagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 33°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:43 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:10 ng hapon.