Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nanatiling mataas ang inflation rate ng bansa ngayong buwan ng Agosto.
Ito ay kasunod ng isinagawang survey ng BSP kung saan, base sa prediksyon ng mga eksperto sa pribadong sektor, patuloy na tataas ang inflation ngayong taon bago bumaba sa mga susunod na taon.
Ayon sa BSP na inaasahan na nila ang inflation rate ng bansa na sasampa sa average na 5.4% ngayong taon, 4.2% sa susunod na taon at 3.7% naman para sa taong 2024.
Bukod pa dito, umaasa din ang central bank na lalampas ang inflation sa target range ng gobyerno ngayong taon.
Ayon sa BSP, ang patuloy na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar at “second-round effects” ang dahilan ng pagkontrol ng produksiyon sa mga produkto at serbisyo maging ang paghahatid sa mga pamilihan na nakakaapekto sa inflation rate ng bansa.