Umapela ng dalawang pisong dagdag pamasahe ang Federation of jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), sa gitna ng panibagong oil price hike.
Ayon kay Ricardo “Boy” Rebaño, Presidente ng FEJODAP, masyado nang mabigat para sa mga tsuper ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Nakatakdang tumaas muli ang presyo ng domestic pump ngayong linggo ng P1.30 hanggang P1.60 kada litro para sa gasolina, at diesel ng P5.40 hanggang P5.70.
Kaugnay nito, sinabi naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang FEJODAP ay maaaring gumawa ng petisyon ukol sa usapin, na sasailalim pa rin sa evaluation. —sa panulat ni Hannah Oledan