Pinag-aaralan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang direktang pamimigay ng educational cash aid o offsite para sa mga estudyanteng nakatira sa liblib na lugar at walang cellphone at internet access.
Nakitang problema ang pagdagsa ng walk-in applicants.
Paliwanag ng mga estudyante at magulang, kaya nag walk in sa DSWD payout center.
Nilalatag na ng ahensya ang mga patakaran sa pamamahagi ng cash assistance sa mga nasa liblib na lugar, at sa mga walang internet at cellphone.
Sa kabuuan, pumalo na sa 143,263 indibidwal ang nakatanggap na ng cash assistance. —sa panulat ni Hannah Oledan