Nag-sorry si Social Welfare secretary Erwin Tulfo sa mga guro sa kanyang naging pahayag kaugnay sa pamamahagi ng educational assistance ng kanilang ahensya.
Ayon kay Tulfo, wala siyang intensyon na insultuhin ang mga guro hinggil sa kanyang pahayag kung ibababa ang ayuda sa mga eskwelahan.
Nilinaw ng kalihim na nais lamang niyang ipunto sa kanyang naturang pahayag na baka maakusahan lamang ang mga guro na pumapabor sa distribusyon ng educational aid.
Mababatid na umalma ang Alliance of Concerned Teachers at Teachers’ Dignity Coalition sa naturang pahayag ni Tulfo.
gusto ko lang linawin na wala po akong sinasabing nakawin o favoritism ang sabi ko baka ma-accuse po, maakusahan po yung ating mga teacher kung sila po ay ibababa ko sa mga public school, sa mga eskwelahan, yung pagbibigay po nitong educational assistance…pero gayunpaman sa mga nasaktan po na mga teacher ay humihingi po ako ng paumanhin” -Social Welfare secretary Erwin Tulfo
Humingi rin ng paumanhin si Tulfo sa mga gobernador kaugnay sa hindi pagbaba ng naturang ayuda sa mga LGU.
dun sa barangay may experience tayo yung pagbibigay po ng SAP nagkaroon po ng favoritism atsaka una-unahan hindi po ba kung kamag-anak kaya nga po dito lang ho natin sa taas ipinamamahagi hanggang LGU hanggang Munispyo ho kasi pag sa barangay baka magkaroon na naman ho ng problema yun ho ang ibig kong sabihin hindi po sa wala akong tiwala sa mga local government units at ..mayroon po dahil nitong sabado po ay tumulong po ang maraming LGU sa atin…” -Social Welfare secretary Erwin Tulfo