Pinangalanan ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang special envoy sa isang Bishops’ conference na gaganapin sa Bangkok, Thailand, sa Oktubre.
Si Tagle ang mamumuno sa pagsasara ng misa ng 50th General Conference ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) sa assumption cathedral sa Oktubre 30.
Magsisimula ang 19 na araw ng pagpupulong sa Oktubre 12 na gaganapin sa Pastoral Center of the Archdiocese of Bangkok.
Nabatid na pinangunahan ni Tagle ang FABC office of theological concerns sa loob ng ilang taon habang siya ay nananatiling archbishop ng Manila bago italaga sa Vatican dicastery.