Patay ang anim na indibidwal habang sugatan naman ang pito pang iba matapos sumalpuk ang isang trak sa dike at bumangga sa isang barbecue community sa Rotterdam, Netherlands.
Ayon sa Dutch Police, tatlo sa mga nasawi ay mga lalaki habang tatlo rin ang babae na pawang nasa edad 28 hanggang 75.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, wala sa impluwensiya ng alcohol ang drayber na nagmamaneho ng nasabing trak, bagama’t patuloy ang kanilang imbestigasyon sa pangyayari.
Kasabay ng agad na pagbisita ng alkalde sa lugar ng insidente ay nagpaabot din si Netherlands Prime Minister Mark Rutte ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi.