Nagpatupad ng shifting ang ilang paaralan sa National Capital Region (NCR) dahil sa kakulangan ng mga classroom na gagamitin ng mga estudyante.
Sa pag-iikot ng DWIZ sa ilang lugar sa Metro Manila, maghahati-hati ang 5K mag-aaral sa 100 clasroom sa Sta. Elena High School sa Marikina City kung saan, magkakaroon ng pang-umaga at panghapon na klase sa mga guro at estudyante.
Sakop ng pang-umagang klase ang Grade 7, 10 at Grade 12 na mayroong 800 estudyante habang ang mga Grade 8, 9 at 11 naman ay ginawang panghapon ang klase upang mapunan ang 50 katao na kapasidad sa kada silid-aralan.
Samantala, sa Malanday Elementary School naman, sa Marikina City, iba naman ang paraan ng pagtuturo ng mga guro kung saan, hinati rin sa face-to-face classes, online classes at paggamit ng modules ang klase ng mga estudyante.
Layunin nitong masunod ang pagpapatupad ng health and safety protocols sa mga estudyante upang maiwasan ang hawahan ng COVID-19.
Samantala nagkukulang narin ang mga classroom sa Manuel L. Quezon Elementary School sa Caloocan City dahil sa 4,259 na bilang ng mga estudyante na nag-enroll at maghahati-hati sa 32 classroom.
Dahil dito, magkakaroon ng 3 shift sa pagtuturo ang mga guro para sa face-to-face classes ng mga estudyante.
Dahil dito, nanawagan ang Principal ng naturang eskwelahan na si Moises Tamondong na magkaroon ng mas maraming classroom para maibalik sa normal na bilang at klase ang mga estudyante.