Target ng satellite-based internet service provider Starlink, na pag-aari ng Amerikanong bilyonaryong si Elon Musk ang 100% full coverage sa Pilipinas sa kalagitnaan ng susunod taon.
Ito ang kinumpirma ni Department of Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy.
Ayon kay Uy, saklaw lamang ng mga satellite ng Starlink ang mga bansa sa northern hemisphere, pero tiniyak naman sa kanya ng nasabing kumpanya na ma-ko-cover na ng kanilang serbisyo ang buong Pilipinas.
Nakatakda anyang mag-launch ang Starlink sa bansa sa katapusan ng taon, bilang kanilang kauna-kaunahang first venture sa Southeast Asia.
Nito lamang mayo nang makakuha ng approval ang Starlink mula sa National Telecommunications Commission upang i-rehistro ang kanilang negosyo sa bansa bilang isang value-added service provider.
Sa sandaling maging operation, mag-o-operate ang Starlink ng high-speed low latency satellite internet service na may download speed na 100 hanggang 200 megabits per second sa mas mura umanong halaga.