Pormal nang nagsampa ng kaso ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine National Police (PNP) sa limang vlogger at social media influencer na nag-upload ng sari-sariling video na naninira ng pera.
Una rito, inireklamo na ng BSP ang mga ito noong nakaraang linggo dahil sa pagpunit, pagbutas, ginawang pansalin ng langis sa motorsiklo, pag-staple at gawing pampunas sa sapatos ang papel na salapi.
Nahaharap ang lima sa kasong may kaugnayan sa Presidential Decree 247 at Republic Act 10175 na nagbabawal sa pagsira o pag-mutilate ng pera at pagpo-post nito sa social media.
Pagmumultahin ang mga suspek ng hindi bababa sa P20,000 at maaaring makulong ng hanggang limang taon.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga suspek.—sa panulat ni Hannah Oleda