Hindi pa tinatanggap ng Malakanyang ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian.
Lumitaw ito sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa kontrobersyal na Sugar Order #4 nang tanungin ni Senador Risa Hontiveros si Sebastian kung tinanggap na ba ang resignation nito.
Sinabi ni Sebastian na suspendido lang siya matapos patawan ng 90 day preventive suspension.
Samantala, ipinabatid ni Sebastian na sa meeting nila sa Malacañang nuong August 1, kasama ang Pangulong Bongbong Marcos Jr., mga DA at Sugar Regulatory Administration (SRA) officials at Landbank officials na walang sinumang tumutol sa importasyon ng asukal.
Sa katunayan aniya ay inatasan ng pangulo ang SRA na mag-draft ng Sugar Importation Order. – sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)