Kinikilala at nirerespeto ng pamahalaan ang press freedom sa bansa na nakabatay sa Saligang Batas o konstitusyon sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kasabay ng selebrasyon ng National Press Freedom Day ngayong araw.
Ayon sa kalihim, idineklara at naisabatas noong nakaraang administrasyon ang araw ng pagkilala na ito sa kalayaan ng pamamahayag sa bansa at kay Marcelo H. Del Pilar.
Mababatid na si Del Pilar ay isang bayaning mamamahayag at propagandista noong panahon ng pananakop ng mga kastila na siya ring tinuturing na ama ng pamamahayag sa bansa.