Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ganap nang tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) sa Silangan ng extreme Northern Luzon.
Inaasahang papasok na bukas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Hinnamnor na tatawaging bagyong Gardo.
Nabatid na napanatili ng Typhoon Hinnamnor ang lakas habang gumagalaw pa-Kanluran at mayroon itong maximum sustained winds na 165 kilometers per hour at pagbugsong hangin na aabot sa 205 kilometers per hour.