Nanindigan ang Department of Agriculture (DA) na hindi sila maglalabas ng import permit sa sibuyas.
Sa kabila ito ng mataas na presyo at kakapusan ng puting sibuyas sa bansa.
Ayon kay Agriculture assistant secretary Kristine Evangelista, Hindi magkakaroon ng importasyon sa sibuyas ang Pilipinas lalo’t panahon na ng anihan sa Disyembre.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng kagawaran sa mga magsasaka ng sibuyas na karamihan ay nag-aalinlangang magtanim dahil anila, posibleng magbaha ng imported na sibuyas sa merkado.
Nakikipag-usap din ang DA sa mga institutional buyer tulad ng mga hotel at restaurants, na imbes na puting sibuyas ay locally produced red onions na lamang ang bilhin.