Tatalima na rin ang Metro Manila Development Authority (MMDA), Manila Local Government at ang Quezon City Government, sa inilabas na Temporary Restraining Order ng supreme court na magpapahinto sa implementasyon ng No Contact Apprehension Program (NCAP).
Mahigit isang buwan ito matapos manindigan ang MMDA na hindi nito susundin ang anumang kautusan na magpapahinto sa NCAP.
Sa inilabas na pahayag ng MMDA, sinabi nito na hindi na nila ipapatupad ang NCAP bilang pagtalima sa sinabi ni Supreme Court spokesperson Brian Keith Hosaka na sakop ng tro ang MMDA.
Samantala, bagaman nirerespeto ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City ang kautusan, kumbinsido pa rin ito na nabawasan ng NCAP ang traffic violations sa ilang apektado nitong lugar.