Kumpirmadong patay ang sinasabing ringleader ng “Friday the thirteeth Paris terror attack” sa France.
Ito’y matapos ang madugong bakbakan sa isang apartment sa Paris, kahapon.
Ayon sa French authorities, natunton ng mga pulis ang pinagtataguan ni Abdelhamid Abaaoud sa pamamagitan ng wire-tapping makaraang maiwan ang cellphone ng isa sa mga kasamahan niyang terorista nang ilunsad nila ang pag-atake noong November 13.
Narekober ang bangkay ni Abaaoud sa apartment na tadtad ng bala matapos ang anim na oras na putukan na sinabayan ng mga pagsabog.
Samantala, kinumpirma rin ng mga otoridad na pinsan ng suspek ang isang babaeng suicide bomber base na rin sa mga narekober na bahagi ng katawan nito.
By Drew Nacino