Plano ng Department of Tourism (DOT) na papalitan ang “It’s More Fun in the Philippines” slogan ng bansa.
Tinanong ni Zambales Representative Jefferson Khonghun si Tourism Secretary Christina Frasco sa deliberasyon ng House Commission on Appropriations kaugnay ng plano ng ahensya sa slogan nito.
Sinabi naman ni Frasco na “under review” na ito, aniya, target ng DOT na lumikha ng slogan na magpapakita ng kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
Matatandaan na sinimulang gamitin ng DOT ang “It’s More Fun in the Philippines” slogan noong 2012 kapalit ng Wow Philippines.