Hindi pa makumpirma ng Department of Health (DOH) kung mayroon nang local case ng Monkeypox virus sa bansa o wala.
Ayon kay DOH-OIC Maria Rosario Vergeire, hanggang ngayon ay hindi pa mabatid kung may nakasalamuhang foreign o ibang tao na galing sa ibang bansa ang naitalang pasyente.
Aniya, sa ay nanatili pa rin sa apat ang kaso ng Monkeypox sa bansa at wala pang bagong na-detect o nagpositibo base sa gianwang sample collection at testing.
Nabatid naman na walang sintomas na ipinakita ang close contact ng case no. 4 at natutuyo na rin ang mga lesion ng ika-apat na kaso ng naturang virus at patungo na sa recovery.
Bagama’t kailangan pa rin aniya nitong tapusin o kumpletuhin ang isolation period.