Bumabalangkas na ng response plan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kaugnay sa magiging epekto ng Bagyong Gardo at super typhoon Hinnamnor sa Pilipinas.
Ayon kay Bernardo Rafaelito Alejandro, IV, Deputy Administrator Assistant Secretary ng NDRRMC, naka stand-by na ang buong ahensiya sa dalawang sama ng panahon.
Anumang oras din ay magtataas ng alerto ang NDRRMC kaya inabisuhan ang mga LGU partikular sa Northern Luzon na paghandaan ang anumang pinsala.
Sa ngayon, binuksan na ng NDRRMC ang kanilang Emergency Operation Center para sa mga tawag at responde sa anumang tulong.