Epektibo na ngayong araw ang rollback ng Petron Corporation, Solane at Phoenix Petroleum sa presyo ng LPG.
Aabot sa P1.75 kada kilo ang bawas-presyo ng Petron at Phoenix Petroleum sa LPG.
Simula na ang kautusan alas-12:01 kaninang hating gabi.
Ang Auto LPG naman ng Petron at Phoenix ay may tapyas presyo na P0.98 at P0.95 kada litro.
Samantala, ngayong alas-6:00 ng umaga epektibo ang rollback ng Solane sa LPG na nasa P1.62.
Ang price adjustment sa LPG ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng krudo sa international market.