Patuloy ang pakikipag-usap ng Department of Health (DOH) sa Department of Budget and Management (DBM), para sa karagdagang pondong gagamitin sa pamamahagi ng COVID-19 allowance sa mga healthcare workers.
Ayon kay Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, naubos na ang kanilang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa National Government.
Ito ang ginagamit ng kagawaran para mabigyan ng allowance ang lahat ng healthcare workers sa bansa.
Gayunman, tiniyak ng DOH na wala silang pipiliing ospital na mabibigyan ng pondo sa oras na i-release na ito ng DBM.
Ang Philippine General Hospital ang pinakahuling pagamutan na nagpadala ng liham sa DOH para sa kanilang One COVID Allowance.