Isang matandang Pilipina sa California, USA ang inatake at ninakawan.
Ayon sa mga otoridad, kalalabas lamang ng biktima sa isang fastfood joint nang hablutin ng suspek ang bag nito bago pinukpok sa ulo ng isang matigas na bagay.
Kaagad namang tumakas ang suspek sakay ng isang kotse.
Isinugod din kaagad ang biktima sa isang ospital na mahigpit na naka-monitor sa kondisyon nito.