Wala pang naitatalang COVID-19 infections sa mga estudyante, guro at iba pang academic staff members simula nang mag-umpisa ang face-to-face classes.
Ayon kay Department of Education Spokesperson Michael Poa, patuloy nilang binabantayan ang mga paaralan para sa posibleng COVID-19 transmission.
Sinabi pa ni Poa na nakikipagtulungan ang DepEd sa Department of Health para sa COVID-19 vaccination status ng mga mag-aaral.
Mababatid na naglagay ang DOH ng vaccination sites sa ilang pampublikong paaralan upang mapataas ang antas ng pagbabakuna sa mga estudyante sa gitna ng pagbabalik ng in-person classes.